Sunday, July 30, 2006
mood: hungry
music: Hate It- FAKE?
-------------------------
*spoilers for the play "Sa Ngalan ng Ama" may arise, so if you don't wanna know the ending for whatever possible reason, then skip the last few paragraphs...*
So I'm back to chronicle the happenings of yesteryear (or yesterday lang, actually) sa aming pagpunta sa SM Manila para mapanood ang presentation ng Wings Entertainment ng Palanca awarded play na "Sa Ngalan ng Ama"...
Medyo matagal ko na ring inabangan yung event kasi gusto kong makita ulit yung play... Back in high school, SEV/AP (and maybe some other orgs) had a showing of that play, and for our assembly, (nung bagong SEV/AP batch na kasama ako) we spoofed it into "Sa Ngalan ni Yaya Maria"... Coralejo didn't like it... But the play held a special place in my heart because of the connection with my beloved SEV/AP so I wanted to see it...
Anyway... Natapos rin after what seemed to be the cosmic equivalent of eternity ang lecture ni Ka Puroy and we were dismissed... Habang naglalakad kami palabas, nasa usual formation kami... Nauuna si Molly and Omi, nasa likod nila ako and way behind, nandun si Anna and Kuku... Nakalagpas na ata kami sa carpark nung lumingon kaming tatlo, para makasiguradong nasa likod pa rin namin yung dalawa, and lo and behold, nakita namin na kasama nila si Jayson... Yay..! Bagong kasama... Hehehe... Nakisabay siya kasi matagal pa raw sila Mayam... So ang Killer Smile ng 1Lit ay kasabay namin papuntang SM Manila...
Naging maayos naman ang pagpunta namin sa SM... Di kami naligaw, kahit na si Omi ang guide namin... Haha..! Nakakita pa ako ng tatlong pusa on the way... Saya... Aliw rin yung manong na katabi ni Kuku sa jeep... Nakatulog kaya lumagpas ata siya sa kanyang destinasyon... Haha..! Nakita naman namin sila Ces sa kabilang jeep... Nauna ata sila, eh... Tapos pagbaba namin sa City Hall, nakita rin namin si Han Na dun...
Nag take-out kami ng food sa McDo, pero wala rin kasi nakain na namin bago pa kami nakapasok sa cinema... Well, sila at least... Di ko naubos yung fries ko (alat kasi) and I didn't even touch my cheeseburger... Total, pinaiwan din sa kin yung food nung papasok kami sa cinema, at binigyan ako ng claim stub, which proved to be a pain in the you-know-where later on... Bawal raw kasi magpasok ng outside food... Ampness...
Di kami nakakuha ng pwesto sa harapan, pero ayos na rin yung pwesto namin... Medyo matangkad nga lang yung nasa harap ko... At walang gustong tumabi kay Jayson... Haha..! Bago nagsimula yung palabas, nagpicturan na naman kami... Hehe... Rehas ng camera..! Kaso lang, sa picture namin nila Omi, Jayson at ako, medyo natakpan ako ni Omi... Ok lang sana, eh naka-peace sign ako... Natakpan yung index finger ko... Kaya para akong naka... Well, you can imagine...
So... Before din nagsimula yung play, may mga weird beeping noises... I almost went ballistic, but they stopped before they melted my brain fibers... Gig na gig na ako nun para mapanood yung show... Back when I was in 2nd year, I didn't pay much attention to our school presentation... All I really remembered was that Guchi's then love interest was in it and that one certain line about women's hair... Apektado kasi ako nun... Hehe...
Anyway, nagtaka ako nung walang lumabas na character na Yaya Maria... Fabrication lang ba ng SEV/AP yun..? Goes to show how much attention I was paying back then... Medyo nagstutter ng konti yung gumanap ng character ni Manuel, but I still think he gave a pretty strong performance... May kamukha din siya... Di ko lang madistinguish kung sino... Yung gumanap naman na Miguel... Diyoskomiyo... Ok na siya, basta wag na lang siya mag-English... Yung nanay, wala lang... Yung ate naman, wala lang din... Ang cute naman ng boses ni Angelo... Ang kwelo din ng character... Lalo na yung scene na may towel... Haha..! Na-realize ko tuloy na ang dami sigurong ginawang edits ng nagpresent sa min noon para payagan sila ng admin...
Para sa kin, ang highlight talaga ng play ay yung pagkamatay ni Miguel... For some reason, when the sister came running in with the announcement that Miguel had been shot by the soldiers outside, I felt as if someone told me that someone I loved had gotten shot... And when the mother went into her wails of pain and agony... Dear God... It was like all that shouting was ripping her heart to shreds instead of her lungs... And how Manuel just stood there, expressionless, blank... That part really affected me... I won't go into my usual blurts of elaborate descriptions and all that drama... Kasi medyo pilit lang ang pagsulat ko ng entry na to... Hehehe... So I don't really feel like getting into it... I just wish I could have recorded it or something... O ayos rin na magkaroon ng SEV/AP reunion para ipresenta ulit yun...
Natuwa nga rin pala ako sa role call... Tagal ng stage time ng dalawang sundalo dun... Haha..! Model ba... Pinakamaraming fans naman ata si Miguel o si Angelo... Di ko maalala... While Manuel got booed by the audience... Hehehe... Pero dahil lang yun sa character niya, at hindi dahil sa performance niya, for sure...
May klase na naman bukas... Hahahay... Nakakatamad talaga... May seatwork pa ata sa Economics at quiz sa English and Sociology... Kailan ko rin magrewrite ng notes sa Socio, but we all know I won't... Dang...