Sunday, July 30, 2006
mood: gloomy
music: Snow- FAKE?
---------------------------
Dahil mahigit isang buwan na akong kolehiyala, narito ang ilang mga natuklasan ko sa unang buwan ko ng kolehiyo sa UST:
1. Meron din namang 'specimens' sa AB... Kaso lang, yung mga may itsura, may girlfriend na... Yung mga *gwapo*, bading...
2. Magpayong ka man o hindi, mababasa ka pa rin...
3. Hindi gumagana ang dryer sa 1st floor girls' CR ng AB/Commerce...
4. Mag-ingat kapag kausap ang mga Koreano... Kahit gaano ka ka-fluent mag-English, malaki ang posibilidad na mababarok ka rin...
5. HUWAG. GALITIN. SI. BARNEY.
6. Caution kapag naglalakad from P. Noval gate hanggang Espana, baka matuhog ng t-square, masapul ng mga tree branches o ma-stampede ng mga tumatakbong dudes in very skimpy shorts...
7. Masaya kapag klase ni Ka Puroy... Kasi di siya pumapasok...
8. Kapag nagtake-out ka ng hotcake sa McDo, umasa kang may blockmate kang makikikain sa 'yo... Kahit na hindi nila alam pangalan mo...
9. Magrecite lagi kay Sir Agui... O kahit magtaas lang ng kamay kahit na wala ka namang sasabihin... Para laging may points... On second thought, wag na pala... Kasi namimigay na siya ng minez...
10. Mga stupid lang daw ang nagmimispronounce ng apelyido ni... Felisisimo... Este... Feliciano... Or is it Felisimino..? Um... Felismino..? Tama... Tama...
11. Huwag suntukin ang pader sa RM 204 ng St. Raymund's building... Magsisisi ang sinumang gumawa nito...
12. Kahit sanay ka nang makita ang mga uniporme ng Tourism, Music at Accountancy, hindi pa rin titino ang itsura ng mga ito... (sana'y di ako matuhog sa sinabi kong 'to...)
13. Huwag magsuot ng pula sa English class ni Mrs. Cruz... Learn from Cometa's mistake...
14. Beware of Snorlax... Itago ang inyong mga onion rings...
15. Huwag magpaloko sa pilay na Philosophy professor... Nagpapanggap lang yun...
16. Masakit ang matamaan ng softball...
17. Hindi dapat magsulat sa whiteboard gamit ang highlighter... At lalong hindi dapat burahin ito gamit ang used na whiteboard eraser... Muli, magsisisi ang sinumang gumawa nito...
18. Iwasan ang umupo malapit kay Snorlax kapag Economics, English, Theology, Literature o kahit na ano pa mang subject... He snores...
19. Huwag magpaniwala sa mga vandalism sa desk... Hindi pangit ang nagbabasa nito, hindi ninja ang lolo niya at kung malaki man ang XXX ni XXX, eh di naman namin inaalam... Hindi rin totoo ang mga 'press here to eject prof', 'press here to end class', 'press here to touch desk' (actually, plausible pa naman yun) at kapag 'tumingin ka lang dito', eh baka pagkamalan ka pang natutulog ng prof mo at palabasin ka pa...
20. Mag-ingat sa isang grupo na binubuo ng tatlo hanggang limang bangag na AB girls na tumatambay sa Espana catwalk pag bandang lunch time... Pagtitripan kayo ng mga yun... *shifty eyes*