Saturday, August 19, 2006
mood: excited
music: One Way- Hillsong
--------------------------------
Yesterday wasn't exactly good... 30 minutes akong late sa Economics so di ko na sinipot si Sir Manapat... Kumain na lang kami ni MJ sa McDo... Pagkadating ko sa classroom, nalaman kong consumer behavior theory ang lesson... Hirap daw... Great... At inantok ako bigla pagdating ng Theo... Ewan ko kung bakit... Di ako makasulat ng matinong evaluation... Maling date pa yung sinulat ko... August 17, eh August 18 dapat... Living in the past talaga... Tsk tsk... Nagpropoganda sa min yung Anakbayan nung Socio kaya naubos yung time ni Ka Puroy... Sa English naman may quiz... Bagsak ako... Yay..!
Umuwi ng maaga si OmU kaya kaming apat lang nila Molly, Kuku and Anna ang kumain sa may carpark... Pagkaalis ni Anna para sa PE niya, dun ko lang napagtanto na di pala sila nag-uusap ni Molly...
After nun, nagpunta kaming tatlo sa Engineering Complex para hintayin yung prof ni Molly sa korfball... Ibibigay niya kasi yung t-shirt niya dun... Habang nandun kami, nagshare kami ng kung anu-anong mga stories... Nakakatawa, nakakatakot saka nakakaiyak... Nagdamayan kami ni Molly sa isyu ng aming mga namayapang magulang, (Mommy niya saka Daddy ko) parehas na cancer yung dahilan (breast cancer saka lymphoma) nung high school pa kami... Nagcrack yung boses ko nun... Nakakaiyak... Pero it felt good na nailabas ko yung ilang points tungkol dun... Di ko kasi yung napag-uusapan sa mga high school friends ko, eh... At least nararamdaman kong pwede akong maging open sa mga friends ko ngayon at na pwede rin silang maging open sa kin... Natuwa ako kasi di nagpigil si Molly na ibahagi sa kin ang parteng yun ng buhay niya at masaya din ako na napaisip din si Kuku tungkol sa pamilya niya... Isang "aww" moment...
Umuwi na kami ng mga 1:00 nang dumating sa wakas yung prof ni Molly... Nadiskubre ko rin na parang may naupuan akong bubblegum... Leche... Pagkauwi ko, bagsak kaagad ako sa kama... Nagising na lang ako nung dumating yung mama ko galing sa SM at binigyan ako ng pagkain... Natulog ulit ako pagkatapos at nagising ulit nung dumating yung tito, tita at mga pinsan ko... Ingay nila... XD
Natulog ulit ako ng mga 11:30 at nagising ng mga 11:45 kaninang umaga... Kaya ngayon, I feel the pain... Hahaha... Puro internet at TV lang ang inatupag ko sa araw na ito... Sa Lunes na lang yung mga assignments...
Excited na ako para bukas, eh... Kasangga na..! Ngayon lang ako makakapunta dun... Si MJ di ata sasali, pero buti na lang si Allianna sasama sa kin... Sana makasama ko rin bukas sila Gaea, Jane and company... Sana rin magpunta si... *ubo*Eruz*ubo* pero malabo atang mangyari yun kasi marami na siyang inaatupag... Well, at least sa ganon, makakafocus talaga ako sa tamang dahilan ng pagpunta ko dun...
And what else could that reason be but to devote myself to the praise, worship and service of our almighty God... =)
Mimi collapsed on the keyboard @ 10:19 PM