Wednesday, August 02, 2006
mood: hungry
music: Taralets- Imago
--------------------------------
A chronicle of cats... Dahil karapat-dapat silang sambahin...
Catty- Ang paborito kong stuffed toy noong bata ako... Hindi nga siya yung original na laruan ko kasi yung una ninakaw ng kapitbahay namin... At dahil dun, di ako nakatulog, kaya nag-iingay ako ang nanggugulo... Bale, pinepeste ko yung mga tao... Dahil dun, napag-isipan na for the betterment of society, bilhan ako ng bagong pusa... Katulad ng dati, pero magkaiba sila ng kulay... Yung luma black and white ata, yung sumunod, white and gray... Parang wool yung balahibo, pero hindi naman... Mahirap i-explain kaya di ko na gagawin... Ngayon, nasa akin pa rin naman siya, may sira yung ilong at may gasgas ang kaliwang mata... Dahil ata sa kanya umusbong ang aking pagmamahal sa mga pusa...
Snowball, Pumpkin, Daisy, etc...- Mga sumunod na stuffed toys na pusa... Consolation ko siguro kasi di ako makapag-alaga ng buhay na pusa noon... Kagimbal-gimabal naman kung patay na pusa ang pagdidiskitahan ko kaya stuffed toy na lang... Si Snowball, Persian cat, kulay puti, mahaba ang balahibo at may mga beans sa loob ng paa... Si Pumpkin naman ay kulay pink, blue ang mata at walang kahawig-hawig sa kalabasa... Si Daisy naman ay calico, tigre ang dating at may maroon na di maintindihang ribbon sa leeg...
Twins- Mga wood carvings mula sa unang punta ko sa Baguio... Mama ko bumili ng elepante, mga pinsan ko gusto ng kalabaw, pero pinili ko yung dalawang maliit na pusa... Dati meron silang mga sea green na ribbon sa leeg... Pero wala na ngayon at napalitan na lang ng mga bakat ng ngipin ng aso namin... Di pa fullt actualized ang aking love for cats noong mga panahon na yun, pero kita na siguro na ang aking subconcious mind ay nagpapadala ng mga mensahe... "Meow..."
Mga Random na Pusa- Mga pinangalan ko sa mga kaibigan ko noon... At si Bigote... Sa dating bahay namin, naghihintay sila sa labas para sa mga tira-tirang pagkain na tinatambak namin sa 1/2 gallon na lata ng Selecta ice cream para lamunin nila... Paborito ko noon yung maliit na black and white na dilaw yung mata... Nababanas naman ako kay Bigote... Dahil sa 'bigote' niya... Samantalang babae naman siya... Nakakasira ng porma...
Frisky- Ang aking unang ganap na alagang pusa... Grade 5 or 6 ata ako noon, kasama ko yung kapitbahay ko, si Jolyn, at yung kuya/ate niya na si Jay... Pagala-gala lang kami sa subdivision noong nakita namin yung kuya nila, si Jomer at yung barkada na malapit sa isang maliit na sand hill... May pinag-aabalahan sila and upon further inspection, nakita namin na pinagtitripan nila ang isang maliit na orange and white na kuting... Binabato-bato nila sa ere, nilalaglag at nililibing pa sa buhangin... Pinagsabihan namin pero ayaw tumigil ng mga linsiyak... Kaya ang ginawa namin, hiniram yung kuting, at tinakbo namin sa bahay... Nagvolunteer na ako na alagaan yung pusa, payag naman kaagad yung dalawa at pagkatapos ng mahabang pambobola, napilit ko rin ang mga 'rents ko... Banas na banas nga lang sila sa kuting kasi ang harot, ang kulit, ang ingay, ginagawang scratching post ang mga kasangkapan sa bahay at mga paa naman namin ay ginagawang target practice... Dahil doon, ipinagkaloob namin sa kanya ang pangalang 'Frisky'... Di yan galing sa cat food... Pero ilang months lang siya tumagal sa min kasi lumabas siya one day at di na bumalik...
Shadow- Dahil sa dinulot ng pagkawala ni Frisky, napag-isipan nila na bigyan ako ng bagong pusa... Nakapaghanap naman sila sa classified ads ng isang male Siamese cat, 3 months old... Atat akong buksan yung box na kinalagyan niya pagkarating... Ang ganda naman ng sumalubong sa kin, ang cute-cute, pero mukhang reject dahil sa puting paws niya na medyo kakaiba para sa mga Siamese... Ang bagsik ng mata niya, kulay blue, nakakatakot kung pinsan kasi mukha siyang serial killer na na-trap sa katawan ng pusa... Nakakaaliw din yung parang maskara sa mukha niya... Dahil doon, na-suggest ng daddy ko yung pangalang 'Bandit', but after much deliberation, 'Shadow' ang napag-agreean... Arte nga lang ng pusang yun, ayaw pa sa tao... Kahit sariling amo... Meron nga akong scar sa kaliwang wrist ko dahil sa kalmot niya sa kin dati... Sungit ng pesteng yun, eh... Daig pa yung nagmemenopause... Siguro mga isang taon na ang lumipas mula noong nawala yun... Malaki ang posibilidad na may nakapulot dun at nakabenta... Good riddence..?
Tingga/Ting-Ting/Kitty/BK - Ito yung pinakamamahal kong si Tingga..! Konting problema nito ay ikinapapanic ko na... Palasak na pusa lang naman siya, galing kalye, kulay orange at white ulit, shiny ang balahibo, olive green ang mata, at may puting cross sa isang paa... Napulot siya ng daddy ko nung summer ng 2002 or 2003... Nilalakad niya kasi yung aso nung nakarinig siya ng maliliit na meow sa damuhan na malapit sa barangay hall... Nakita niya dun si Tingga, pagkaliit-liit, maliit pa sa kamay ko, eh... (Maliit pa kay Guchi..! Joke lang po..!) Abandonado na ng nanay, dilat na yung mga mata, pero di pa marunong maglakad ng matino... Pinulot naman siya ni Daddy, dinala sa bahay at pinatulog sa kahon... Pagkagising ko, tada..! May pusa na... Tuwang-tuwa pa nga akonoon kasi dumudulas-dulas pa siya sa sahig tapos kung saan-saan sumusuksok... Malambing din yung kuting na yun, kaya malaking kaaliwan siya... Mabilis din naman siya lumaki kasi ang takaw-takaw niya... Lagyan mo ng pagkain yung dish niya at di ka pa nakakaalis eh, ubos na... Nakikisalo pa nga to sa dinner table, eh... Siya yung paborito kong alaga ever, pero ironically, siya rin yung walang ganap na pangalan... Ang tawag ko lang sa kanya noon, 'Kuting'... Pinaiski, 'Ting', doblehin, 'Ting-Ting' para cute... Pag naasar ako, 'Tingga' ang tinatawag ko... Tawag sa kanya noon ng mama at daddy ko ay 'Baby Kitty' na 'BK' for short na mama ko na lang ang gumagamit ngayon... Pag tinatawag ko siya mula sa labas, 'Kitty' naman ang tawag ko... Pero ang pinakamalapit sa ganap na pangalan..? Tingga... May isang beses na nawala sa nang ilang linggo, pero nakabalik rin naman... Di tulad ng mga iba... Mga inutil... Pumayat siya pagkabalik, pero nabawi din kaagad kasi halos buong araw siyang kumain nun, nonstop... Spoiled din yan, eh... Sa kwarto ko natutulog, kung minsan katabi ko, kaya mga back pains ang abot ko... Archnemesis niya nga pala si MJ... Mga timang kasi... Ako pa ang nadadamay sa bangayan ng dalawa... Lupit pa naman mandakma ni Tingga... Pang Kung-Fu master ang stunts... Crouching Tingga, Hidden Dragon... Ok, tama na, corny na...
Kuroneko- Ang dakilang tambay... Pwesto: kitchen window... ewan ko lang kung kailan sumulpot yan... Pure black (medyo, may mga highlights nga lang siya na orange at dark brown dahil pumahid siya sa wet paint...) at green ang mata... Kamukha niya si Kuroneko ng Trigun... Laging gutom, laging maingay, nabubuhay para sa pagkaing binibigay namin sa kanya... Mabait naman sa mga tao yan, malandi, nagpapahawak at hindi nangangagat o nangangalmot unless provoked... Kinagat nga niya dati si Dinxy kahit na si MJ ang pumeste sa kanya... Akala rin ni Dinxy na mamamatay siya sa rabies pero wala namang nangyari... Kaya ayos lang magpakagat dyan... Nakakatakot nga lang yan sa gabi, ang dilim-dilim tapos bigla siyang tatalon sa bintana, tititigan ka at mag-iingay... Glow in the dark pa naman mata nun...
Ming-Ming- Latest addition sa neko family namin dito... Posibleng anak ni Tingga kasi kulay orange siya, olive green ang mata at may similarity ang mga marka nila sa mata... Disipulo ata siya ni Kuroneko-sama kasi nakikitambay na rin siya sa bintana at nanghaharana... Parehas lang talaga sila ng style... Magpacute, mag-ingay at di aalis hanggat di nakakalafang... Epektib naman... Ang cute kasi...^^
May mga special mention din, sa mabahong Fluffy ni Guchi, mga pusa ni Dinxy, lalo na si Shadow at si Winter at ang kanyang depektib na buntot...
Ngayon, sa pagtatapos ng post na to, may we have a moment of silence para sa ating mga chlidhood na pusa, mga pusang naglayas, nawala, namatay, at nasagasaan sa highway... Rest in peace, lalo na sa piping pusa ng SSS Zabarte (shut up MJ), piping pusa ng Marimart, piping pusa ng Maligaya at piping pusa ng Zamora Compound...
*silence*
*MEOW*
Panira naman tong sila Kuroneko at Ming-Ming, eh...