Wednesday, November 15, 2006
mood: annoyed
music: Video Killed the Radio Star- Presidents of the USA
----------------------------------------------------------------------------
An embellished summer incedent... Damned hypocrites'll get their comeuppance...
"Tsk..! Ano ba naman yung trapik na 'to..? Ang init pa, leche..! Kanina pa 'to, ah..."
"Dati pa trapik dito, pero simula noong ipaayos nila yung kalye na 'to, lumala lang lalo... Kitid na ng daan, eh..."
"Sus..! Yung mga opisyal na yan, bakit ngayon lang pinaayos..? Panahon pa ng ninuno ko yung laging pagbaha dito sa karag-karag na daan ng Cielito... Yung pera kasing dapat na panggawa nyan kinukurakot lang... Tapos ngayong inayos, lumala lang yung trapik... Ano ba yan..? Bakit hindi pa gumalaw..? Tsk..!"
"Pinapadaan kasi yung ibang mga sasakyan dyan sa kabilang lane... Nangongolekta pa ng limang piso..."
"Anong kabilang lane..? Kita mo ngang ang kitid na ng kalsada rito, oh..! Kaya nga ginawang one way 'to, eh... Napakawalang hiya naman ng mga drayber na yan..! Pinipilit pa... Gusto yung madalian lang... Basta ok sila, yun na yun... Di na iniisip yung kapakanan ng iba... Bakit di na lang sila dumaan sa Yakal..?"
"Mahirap kasi yung daan dun... Baku-bako saka pasikut-sikot..."
"Problema na nila yun..!""Ayun..! Gumalaw na rin kahit papaano..."
"Ay, malapit na akong bumaba sa wakas... Manong, ibaba mo ako dyan sa may tabi... Sa tapat ng hardware, para di na ako mahirapan... Baha kasi, eh..."
"Dito na lang po... Di ako makasingit, eh..."
"Manong, ano ba..? Ang putik-putik dito, eh..!"
"Pasensya na po pero wala na talagang masingitan... Nakaharang yung ibang mga sasakyan, oh..."
"Tsk..! Gago..! Tignan mo nga't ang ang baha dyan, oh..! Ang putik..! Paano ako dadaan dyan..? Leche..!"
"Problema mo na yun..."